Quantcast
Channel: UNTV News
Viewing all articles
Browse latest Browse all 18481

2 COA Commissioner, Sec. Leila de Lima, Paje at Soliman, nakumpirma na ng Commission on Appointments  

$
0
0

NEWLY CONFIRMED. Secretary Leila De Lima, Commission on Audit (COA) Commissioner Heidi Mendoza and Department of Social Welfare and Development Secretary Dinky Soliman. June 11, 2014 Senate of the Philippines, Pasay City. (WILLIE SY / Photoville International)

MANILA, Philippines — Tuluy-tuloy na trabaho nina Department of Social Welfare and Development ni Secretary Dinky Soliman at Secretary Ramon Paje sa Department of Environment and Natural Resources.

Ito’y matapos makumpirma ang dalawang kalihim ng Commission on Appointments isang araw bago ang Sine Die Adjournment.

Kabilang din sa nakumpirma si Justice Secretary Leila de Lima na sumalang sa committee hearing nitong Miyerkules ng umaga.

Samantala, dalawang presidential appointee sa Commission on Audit ang nakumpirma din sa plenaryo.

Si Atty. Jose Fabia na dating director general ng Philippine Information Agency at former mayor ng isang bayan sa Pangasinan ay itinalagang COA Commissioner ni Presidente Aquino noong nakaraang linggo lamang.

Kaklase din sya ni COA Chairperson Grace Pulido-Tan sa UP College of Law.

Bilang constitutional commission, sineguro ng committee panel na magiging independent ito na may fixed term hanggang February 02, 2020 kapalit sa pwestong iniwan ni Atty. Rowena Guanzon.

Pahayag ni Rep. Rodolfo Fariñas, Majority Floor Leader ng Commission on Appointments, “Nakita mo yung term of office mo napakaganda ng numero, 02022020, uto-uto, to oh to oh. Kaya pwede mo bang isumpa sa amin na hindi kayo magiging uto-uto dyan.”

Tugon ni Comm. Jose Fabia ng Commission on Audit, “Ah, hindi po.”

Balik naman ni Fariñas, “Dahil napaka-importante po niyan. Kasi yung coa napaka-powerful po niyan. Pwedeng kapag diniktahan yan, magiging attack dog yan. It happens to me.”

Samantala, matapos ang ilang ulit na pagsalang sa Commission on Appointments, nakumpirma na rin si COA Commissioner Heidi Mendoza.

Sa mga nakaraang hearing, si Senator Jinggoy Estrada ang nagbato ng maraming tanong kay Mendoza.

Kinapos na ng panahon si Estrada at hindi na nakatutol ng irekomenda na ng komite sa plenary session si Mendoza.

Ani Fariñas, “Yung sinabi ko kay Commissioner Fabia applies to you also, narinig mo naman that you take the oath that you will be independent and will pursuit your duties. Yes na lang para mabilis.”

Tugon naman ni COA Commissioner Heidi Mendoza, “I promise to be independent as I always independent.”

Pahayag naman ni Senator Jinggoy Estrada na miyembro rin ng Commission on Appointments, “I just like to put on record that Im not through yet with my questions regarding the nominee but I have no choice to defer the wishes of the majority.” (PONG MERCADO / UNTV News)


Viewing all articles
Browse latest Browse all 18481