Quantcast
Channel: UNTV News
Viewing all articles
Browse latest Browse all 18481

100 lugar sa Visayas na naapektuhan ni Yolanda, patatayuan ng deepwell water system

$
0
0

(L-R) Ms. Annie Rentoy, Ms. Angela Lagunzad, Mr. Gerry Panghulan from BMPI-UNTV and Mr. Antonio Habana, Mr. Ralph Walker from Equinet Architectural Engineering and Support and Dr. Che Lejano as mediator. (Good Morning Kuya photo)

MANILA, Philippines — Magtatayo ng 100 deepwell water system sa iba’t ibang lugar sa Visayas Region ang UNTV (Your Public Service Channel) at Equinet Architectural Engineering and Support upang mapagkunan ng malinis na tubig ng mga residenteng napinsala ng Super Typhoon Yolanda (Haiyan).

Bago ang pananalasa ng Bagyong Yolanda, mahirap na para sa mga residente ng Brgy. 54 sa Magallanes, Tacloban City ang makakuha ng malinis na tubig para sa kanilang pang-araw-araw na pamumuhay.

Ang nag-iisang deepwell sa lugar na pangunahing napagkukunan ng mga residente ng tubig na maiinom, ngayon ay hindi na napakikinabangan dahil nasira noong nagdaang kalamidad.

“Ngayon di pa kami nakakapag-provide nito dahil marami pang problema yong barangay namin, marami pa kaming gustong ayusin,” pahayag ni Brgy. Kagawad Ashley Hinakay.

Bunsod nito, bukod sa problema sa pagsasaayos ng kanilang mga nasirang tahanan, dagdag pahirap sa mga residente sa lugar ang paghahanap ng mapagkukunan ng malinis na tubig.

“Sa mga taga-UNTV, humihingi kami ng tulong para sa aming inumin kasi pag naputol itong gripo kasi hindi naman pag-aari ng brgy sa private ito, wala na kami pagiigiban wala na kami tubig na maiinuman pa na iba,” panawagan ni Aling Nenita Pineda.

Upang matugunan ang pangangailangan ng ating mga kababayang biktima ng pananalasa ng Bagyong Yolanda sa Visayas Region, isang memorandum of agreement (MOA) ang nilagdaan sa pagitan ng UNTV at Equinet Architectural and Engineering Support.

“Natutuwa tayo na yung Equinet ay naging partner natin in fulfilling yung ating long time advocacy, to help the needy. When they approached us at sinabing gusto nilang makatulong, they ask us to identify the area, initially we identified 10. Sampu initially yung nakalagay sa MOA but ang understanding namin ni Tony ito ay walang katapusan hanggang may nangangailangan ng tubig na maabot ng water system na ito ay aabutin natin,” pahayag ni UNTV VP for Administration Gerry Panghulan.

Layunin ng nasabing MOA na makapagpatayo ng isangdaang deepweel water system sa iba’t ibang lugar sa Visayas Region na tinamaan ng bagyong Yolanda.

“Nung nagkaroon ng devastation sa Yolanda, inisip ng kumpanya namin kung paano kami makakatulong, napansin namin na ang malaking bahagi ng relief goods na pinadadala dun ay tubig. Alam naman natin na ang water table natin sa Pilipinas ay napakababa, kailangan lang hukayin. Sa pamamagitan ng tie up with UNTV we will have more reach because UNTV is nationwide, you have communities nationwide. Ang problema kasi namin hindi namin ma identify kung saan yung paglalagyan so yung UNTV at ang simbahan (ADD) matuturo yung mga communities na nangangailangan,” pahayag naman ni Antonio Habana, ang Managing Director ng Equinet Architectural and Engineering Support.

“I think there’s opportunity there, there’s water if you dig down far enough, good water doesn’t need treatment. This is mainly opportunity to give back. We like to give something back to the community, not just in tacloban but all over,” saad naman ni Ralph PM Walker, Managing Director ng Equinet Architectural and Engineering Support. (Mirasol Abogadil / Ruth Navales, UNTV News)


Viewing all articles
Browse latest Browse all 18481