MANILA, Philippines - Aprubado na ng Commission on Higher Education (CHED) ang hirit na pagtataas ng matrikula ng halos tatlong daang private higher education institutions sa buong bansa.
Ayon sa CHED, 17 porsyento lamang sa kabuoang bilang ng mga pribadong kolehiyo na humiling ng tuition increase ang inaprubahan nito.
Kabilang dito ang 64 na eskwelahan sa National Capital Region (NCR).
Sa Metro Manila, tinatayang aabot sa anim na porsyento o katumbas ng mahigit anim napung piso ang madaragdag sa matrikula ng mga college student. (UNTV News)