CEBU CITY, Philippines — Ilang militanteng grupo ang nagsagawa ng kilos protesta sa Cebu kasabay ng pagdiriwang sa ika-116 na Araw ng Kasarinlan ng Pilipinas ngayong Huwebes, Hunyo 12, 2014.
Pinangunahan ng grupong BAYAN ang rally sa Colon Street sa Cebu City kaninang ala-1 ng hapon.
Sigaw ng grupo, nakakulong pa rin ang maraming Pilipino sa kahirapan dahil sa kurapsyon na nangyayari sa bansa, partikular na ang pork barrel scam.
Nananawagan ang mga militante kay Pangulong Benigno Auino III na kasuhan rin ang mga kaalyado nitong nadadawit ang pangalan sa pork barrel scam.
Samantala, matapos mag-piket sa Colon Street, unti-unti nang nagtitipon ang mga raliyista at iba’t ibang sektor sa Fuente Osmena Circle para sa isasagawang interfaith rally mamaya sa pangunguna ng Cebu Coalition. (Naomi Sorianosos / Ruth Navales, UNTV News)