Quantcast
Channel: UNTV News
Viewing all articles
Browse latest Browse all 18481

Revilla, tatakbo pa rin sa 2016 presidential elections kahit nakakulong

$
0
0

FILE PHOTO: Senator Ramon ‘Bong’ Revilla Jr. (PHOTOVILLE International)

MANILA, Philippines — Anumang araw ay maaring ipalabas na ng korte ang arrest warrant laban kina Senators Ramon ‘Bong’ Revilla Jr., Juan Ponce Enrile at Jinggoy Estrada dahil sa kasong plunder at graft kaugnay ng PDAF scam.

Kaugnay nito, kinumpirma naman ni Senator Bong Revilla Jr. na tatakbo siya sa 2016 presidential elections kahit pa siya ay nasa bilangguan sa panahon ng campaign period.

“Pag ako pinatakbo ng taumbayan, ako ay tatakbo bilang pangulo.”

Sinabi ni Revilla na gagawin niya ang ginawa ni Senator Antonio Trillanes IV noong 2007.

Ayon sa senador, kakandiato siya dahil sa lumalakas na panawagan ng kanyang mga taga-suporta na tumakbo siya sa panguluhan ng bansa sa 2016 elections.

“Makukulong man nila ako, si Bong Revilla, pero hindi nila makukulong ang pagmamahal ko sa bayan.”

Muli namang iginiit ng senador na ang mga kasong isinampa laban sa kanya ay malinaw umanong pamumulitika lamang ng kasalukuyang administrasyon.

Aniya, “Sinasabi ng admin na galit daw sakin ang mga tao. Pero kita nyo naman ang pagmamahal sa atin, ang init ng pagtanggap sa akin, patunay lamang na nagsisinungaling sila.”

Ayon pa kay Revilla, habang hinihintay ang warrant of arrest ay lilibutin nito ang iba’t ibang probinsya sa bansa upang ipaliwanag ang kanyang kaso.

Gayunpaman, inamin rin ng senador na nakaimpake na rin ang kanyang mga gamit at kusa itong susuko kapag lumabas na ang kanilang warant of arrest.

“I’m ready. I’m ready. Alam kong anytime ay lalabas ang warrant of arrest.”

“Mga kababayan, wag nyo ho sana kaming husgahan, hayaan po natin sa korte, wala po sila diyang mapapatunayan at talagang walang laman ang kaso na yan, at sana na ang tunay na gumawa ng kalokohang ito ay managot,” dagdag pa ni Revilla. (Bianca Dava / Ruth Navales, UNTV News)


Viewing all articles
Browse latest Browse all 18481