Quantcast
Channel: UNTV News
Viewing all articles
Browse latest Browse all 18481

Awiting “Dios Ikaw Lang” at “Only God,” itinanghal na song of the week sa ASOP TV

$
0
0
Ang nag-tie na ASOP Song of the Week na “Dios Ikaw Lang” ni Mary Esther Garcia sa interpretasyon ni Nini Calingo at “Only God” ni Gian Magdangal sa rendisyon naman ni Robin Nievera kasama ang ASOP hosts na sina Richard Reynoso at Toni Rose Gayda. (PRINCE MAVERICK MEDINA MARQUEZ / Photoville International)

MANILA, Philippines – Dalawang papuring awit ang naging weekly winner sa unang linggo ng Hunyo sa A Song of Praise (ASOP) Music Festival, Linggo ng gabi.

Kapwa itinanghal na weekly winner ang “Dios, Ikaw Lang” ni Mary Esther Garcia sa interpretasyon ni Nini Calingo at “Only God” ni Gian Magdangal sa rendisyon naman ni Robin Nievera.

“Napakaganda ng mga comments nila.  Sa’king medyo baguhang song writer, enriching ang dami-dami kong natututunan para akong nagso-songwriting clinic. Talagang makakapag-improve ng pagko-compose ng isang kanta, very helpful talaga,” pahayag ng composer na si Mary Esther Garcia.

Ayon naman kay Gian Magdangal na una nang naging interpreter sa ASOP, nagpapasalamat siya at nagustuhan ng mga hurado ang kaniyang likhang papering awit.

“Yes, talagang thankful overwhelmed na nanalo pa.  I was thankful talaga, siyempre sa tulong ni Robin, nabuhay yung kanta.”

Kabilang sa mga naging hurado sa ASOP TV sina Rannie Raymundo at Beverly Vergel kasama ang regular judge ng show na si Mon Del Rosario.(Adjes Carreon & Ruth Navales, UNTV News)

Ang mga naging hurado sa nitong Linggo sa A Song of Praise Music Festival. (PRINCE MAVERICK MEDINA MARQUEZ / Photoville International)

Ang mga naging hurado sa nitong Linggo sa A Song of Praise Music Festival. (PRINCE MAVERICK MEDINA MARQUEZ / Photoville International)

Viewing all articles
Browse latest Browse all 18481