Quantcast
Channel: UNTV News
Viewing all articles
Browse latest Browse all 18481

Miss Universe-Philippines 2014 MJ Lastimosa, nagpasalamat sa suporta ng UNTV

$
0
0

Miss Universe-Philippines 2014 Mary Jean “MJ” Lastimosa (UNTV News)

MANILA, Philippines – Nag-enjoy nang husto sa kanyang pagbisita sa morning show ng UNTV na Good Morning Kuya nung Lunes si Miss Universe-Philippines 2014 Mary Jean “MJ” Lastimosa.

Ayon kay MJ, sulit at naging makabuluhan ang paggising niya ng maaga.

“Nakakatuwa kasi we started very early and I was able to share my favorite breakfast. I enjoyed it a lot. Sa Good Morning Kuya, pinarampa nila ako syempre hindi ako nagpatalo, pinarampa ko rin sila,” masayang pahayag nito.

Excited naman ang beauty queen sa pagfeature sa kanya ng programang Spotlight.

“Excited ako sa Spotlight. I will tell my family to watch it. I was able to express my story and it’s a nice exposure din na nalalaman ng tao kung sino ka talaga behind the cameras and videos that you do and they see na kung sino talaga yung totoong ikaw.”

Nagbigay din ng payo si MJ sa mga aspiring beauty queen na nakararanas ng pagkabigo katulad nya na dalawang beses munang natalo bago nakamit ang korona.

“When you’re at the state of failure, syempre you have a lot of questions on your mind na bakit ganito swerte sila, hindi ako swerte, pero its OK, it’s OK to be sad, it’s OK to feel devastated, just pray over it, just embrace it, you’ll come to realize na theirs is something for you, if one door closes, there’s another door that will open for you.”

Nagpapasalamat naman ng husto ang ating kinatawan sa Miss Universe ngayong taon sa suporta ng UNTV.

“Sobrang thankful ko kasi kanina na worldwide, maraming correspondent so napakalaking tulong sa akin na may mga taong katulad nyo na sumusuporta sa akin kasi nararamdaman ko na hindi ako nag-iisa na hindi ako mahihirapan dahil maraming sumusuporta sa likod ko at nagpapasalamat po ako sa UNTV dahil sa chance na to na binigay nyo sa akin,” saad pa ni MJ.

Maaring iboto si MJ Lastimosa upang makapasok sa Top 15 ng Miss Universe 2014 sa www.missuniverse.com. (Adjes Carreon / Ruth Navales, UNTV News)


Viewing all articles
Browse latest Browse all 18481