BOHOL, Philippines – Patok na patok ngayon sa mga turista ang kakaibang zipline at iba’t-ibang hanging bridge challenges sa Chocolates Hills Adventure Park sa bayan ng Carmen sa lalawigan ng Bohol.
Kakaiba ang naturang zipline dahil imbes na nakaupo o nakahiga, kailangan mong sumakay ng bisikleta.
Ang tawag dito ay zipbike (zipline + bike).
Tinatayang mahigit kalahating kilometro ang layo ng zipbike sa dulo nito.
Bukod sa zipbike, patok din dito ang ibat-ibang klase ng hanging bridge adventure.
“We have zipline in the province so we would like to innovate so when they come there is a new thing to do,” pahayag ni Jing Velascou, may-ari ng Chocolates Hills Adventure Park. (Bryan Evangelista / Ruth Navales, UNTV News)
↧
Zipbike, patok sa mga turista sa Bohol
↧