MANILA, Philippines — Ikinatuwa ni Senate President Franklin Drilon ang paglalagda ni Pangulong Benigno Aquino III sa batas na nag-e-extend sa corporate life ng Philippine National Railways ng limampung taon pa.
Naniniwala ang Pangulo ng Senado na ang mabilis na pagpapasa sa nasabing batas ay nagpapakita na kinikilala ng pamahalaan ang halaga ng rail transit systems sa Metro Manila at Probinsya.
Umaasa ang senador na magkakaroon ng modernization legislation para sa Philippine railways sa hinaharap upang makatulong sa problema sa trapiko.
Ang nasabing batas ay kabilang sa 19 panukala na ipinasa ng Senado sa first regular session ng 16th Congress. (UNTV News)