Quantcast
Channel: UNTV News
Viewing all articles
Browse latest Browse all 18481

Sen. Revilla at Estrada, nakipag-usap na sa chief ng CIDG para sa kusang pagsuko

$
0
0

FILE PHOTO: (L-R) Senator Juan Ponce Enrile, Sen. Bong Revilla and Sen. Jinggoy Estrada (Photoville International)

PASAY, Philippines — Dalawang buwan na ang nakalipas ng makausap sa telepono ni Senador Bong Revilla Jr. si CIDG Chief Superintendent Benjamin Magalong.

Ayon sa Senador nagka-usap na sila ni Magalong na kusang loob siyang susuko kapag naglabas na ng warrant of arest ang Sandiganbayan.

Pahayag ni Sen. Revilla, “Yes, nakausap ko na, nakausap ko na si CIDG… Sabi ko nga na handa tayo, handa na tayong, basta’t sa oras na lumabas yung warrant of arrest eh susurender tayo sa kanila.

Bagama’t tumanggi si Magalong na ma-interview sa harap ng camera , sinabi nito sa pakikipanayam sa telepono na may usapan na sila ng tatlong senador na hindi na sila kailangan arestuhin dahil sila na mismo ang magpupunta sa Camp Crame para sumuko kay PNP Chief Alan Purisima.

Sinabi pa ni Senador Revilla na halos pareho sila ng ginawang arrangement ni Senador Jinggoy Estrada sa gagawing pag-aresto sa kanila.

“Nabanggit din sa akin ni Senator Jinggoy yan anu, yung aspeto na yan siguro baka ganun magiging arrangement nya baka doon na kami magkikita nyan sa crame o saan man,” dagdag ni Revilla.

Paki-usap lang revilla kay Magalong na sana’y irespeto siya hindi bilang senador kundi ang karapatan niya bilang isang mamayan

Hiling din ni Senador Revilla na bago siya makulong ay makita muna nito ang kanyang ama.

Ayon sa Senador, hindi pa rin matanggap ng kanyang amang si former Senator Ramon Revilla Sr. ang kinakaharap niyang problema sa ngayon.

“Nag-wo-worry ang daddy ko pero di nya pa syempre…. di pa nya tanggap ito kung anoman mangyayari sa atin.”

Samantala, kinumpira rin ni Senador Estrada na noong nakalipas na buwan nakausap din nito si General Magalong ukol sa nasabing kasunduan.

Ayon kay Estrada, iniiwasan niyang makita ng kanyang mga anak ang pag-aresto sa kanya sa bahay.

Sinabi ng Sen. Jinggoy na nangako naman si General Magalong na aabisuhan siya kung may arrest order na mula sa Sandiganbayan, “Last month din, last month (nagkausap kami ni CIDG Chief)… Oo naman, ako na nag-commit (na susuko). Magiging traumatic naman sa mga anak ko yun.” (BRYAN DE PAZ / UNTV News)


Viewing all articles
Browse latest Browse all 18481