Quantcast
Channel: UNTV News
Viewing all articles
Browse latest Browse all 18481

Bureau of Immigration, biniberepika kung may akusado sa pork barrel scam na nakaalis na ng bansa

$
0
0

Ang mga HDO o Hold Departure Order na nakapaskil sa Sandiganbayan para sa mga ilang akusado sa pork barrel scam (UNTV News)

MANILA, Philippines– Pinangangambahan ngayon na nakaalis na ng bansa ang ilan sa mga akusado sa kasong plunder at graft kaugnay ng pork barrel scam.

Sa inisyal na berepikasyon ng Bureau of Immigration, sampu sa 54 na mga akusadong inisyuhan ng hold departure order ng Sandiganbagan ang posibleng nakaalis na ng bansa.

Iba-iba ang destinasyon at petsa ng pag-alis ng mga ito at walang impormasyon ang ahensya kung kailan sila babalik ng bansa.

“I think more or less, maybe, less than 10 people are outside the country but most are still in the country based on our database,” pahayag ni Bureau of Immigration Commissioner Siegfred Mison.

Ngunit ayon sa Immigration, hindi pa nila mailalabas ang mga pangalan ng mga ito dahil patuloy pang inaaalam kung ito nga ang mga akusado at hindi mga kapangalan lamang.

Ani Mison, kailangan pa ng ibang mga detalye gaya ng middle name at petsa ng kapanganakan.

“I cannot recall their names dahil yung iba nga common names pa. We are still asking for the Sandiganbayan to give other details to make sure that the names we included in the HDO are the names in our travel database.”

Nananatili namang mahigpit at nakabantay ang mga opisyal ng immigration para sa mga akusadong nandito sa bansa.

Wala pa naman umano sa mga ito ang nagtatangkang bumiyahe palabas ng bansa mula ng maglabas ng HDO ang Sandiganbayan. (Roderic Mendoza / Ruth Navales, UNTV News)


Viewing all articles
Browse latest Browse all 18481