Quantcast
Channel: UNTV News
Viewing all articles
Browse latest Browse all 18481

Water level sa Angat Dam, bumababa pa rin; Cloud seeding operations, nagpapatuloy

$
0
0

FILE PHOTO: Ang bahagi ng Angat Dam na kuha mula sa isang eroplano na nagsasagawa ng cloud seeding noong September 2010. (UNTV News)

BULACAN, Philippines — Patuloy ang isinasagawang cloud seeding sa Angat watershed areas dahil sa patuloy na pagbaba ng lebel ng tubig sa dam sa kabila ng nararanasang mga pag-ulan nitong nakalipas na mga araw.

Ayon sa Bureau of Soil and Water Management (BSWM), nagpasya ang Metropolitan Waterworks and Sewerage System (MWSS) at National Power Corporation (NPC) na ituloy ang operasyon dahil hindi pa rin sapat ang ulang naiipon ng dam.

Sa 37 oras na operasyon mula Mayo 16 hanggang Hunyo 18, nakapagtala na ng 279 mm rainfall sa dam.

Ayon naman sa Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA), posibleng bumaba pa ito sa 165m mula sa 169.73m level nito sa ngayon.

Sinabi rin ng weather agency na sa kabila ng pagbaba ng tubig sa Angat Dam ay mas kakaunti na nababawas dito araw-araw kumpara sa kasagsagan ng tag-init.

Inaasahan naman na sa katapusan ng Hunyo o sa unang linggo ng Hulyo ay unti-unti nang tataas ang water level sa Angat Dam.

Samantala, hanggang ngayon ay hindi pa rin nagsu-supply ng tubig ang Angat Dam sa mga irigasyon sa Bulacan at Pampanga.

Pinutol ng Angat Dam management ang water supply sa mga irigasyon mula ng bumaba sa 180 meters ang water level ilang buwan na ang nakalilipas.

“Kahit yung mahinang bagyo basta malaki yung dalang ulan and then nandun mismo doon sa Angat Dam, eh malaki ang pagbabago ng Angat Dam,” pahayag ni Richard Orendain, PAGASA Hydrologist.

Tiniyak naman ng National Water Regulatory Board na sapat pa rin ang supply ng tubig sa Metro Manila hanggang sa kalagitnaan ng Hulyo.

Sa ngayon ay nasa 42cms pa ang pinapakawalang tubig ng Angat Dam para sa Metro Manila. (Rey Pelayo / Ruth Navales, UNTV News)


Viewing all articles
Browse latest Browse all 18481