Quantcast
Channel: UNTV News
Viewing all articles
Browse latest Browse all 18481

Mga senior citizen, special guest sa Isang Araw movie tour sa Pampanga

$
0
0

Ang isa sa mga aktor sa Isang Araw movie na si Robbie Packing kasama si Bro. Ric Erese at ang mga nanood ng pelikula sa Pampanga sa isang pagbati ng Kahit Isang Araw Lang. (KENJI HASEGAWA / Photoville International)

MANILA, Philippines — Naging espesyal na panauhin ang ating mga lolo at lola sa isinagawang Isang Araw movie tour sa Pampanga bilang bahagi ng pagdiriwang sa ika-10 anibersaryo ng UNTV (Your Public Service Channel).

Ito ay bilang bahagi sa pagdiriwang ng ika-10 anibersaryo ng UNTV (Your Public Service Channel) na may temang “Caring for the Elderly”.

Kwento nila, maraming magagandang aral na mapupulot sa pelikula na mahalagang matutunan ng bawat isa.

Ayon kay Lola Josie Sunner, “yung nagkaroon ng problema at tumulong siya dun sa mga nangangailangan.”


“Tsaka dun po sa mag-ina naiyak ako dun naluha yung aking mata.”

“Ok na ok po kasi talagang napapanahon at tsaka updated naman po ako sa mga nangyayari satin sa gobyerno, talagang ang ganda,” pahayag naman ni Lola Virgie Morata.

Dagdag pa nito, “kahit hirap na hirap ka kailangan magkaroon ka pa rin ng pagasa, hindi dapat nawawalan ng pagasa.”

Maging ang mga scholar ng La Verdad Christian College (LVCC) sa Pampanga ay nahikayat na manood ng pelikula.

“Maganda po yung pelikula at marami ka pong aral na matututunan lalu na po yung “ang paggawa ng masama sa masama ay walang maidudulot na mabuting bagay,” ani Glenn Daniel San Gabriel.

“Kahit mahirap ka patuloy kang gumawa ng mabuti kasi po gagantihin ka naman ng Dios,” saad naman ni Joyce Rodriguez.

Ito na ang ikalawang pagkakataon na isinagawa ang movie tour sa lalawigan ng Pampanga dahil sa naging magandang pagtangkilik at pag-suporta ng mga kabalen sa pelikula.

Unang isinagawa ang movie tour sa San Fernando City at sa Apalit Pampanga. (Joshua Antonio / Ruth Navales, UNTV News)


Viewing all articles
Browse latest Browse all 18481