WINNIPEG, Canada – Sinuportahan ng UNTV (Your Public Service Channel) katuwang ang Members Church of God International sa Winnipeg, Canada sa Alzheimers Memory Walk bilang bahagi rin ng ika-10 taong anibersaryo ng UNTV.
Ayon sa Alzheimer Society of Manitoba, ang dementia ay isang sakit ng matatanda na nagdudulot ng pagkasira ng brain cells ng pasyente na kapag lumalala ay nagiging sanhi ng pagiging malilimutin.
Batay sa Risk Analytica, 20-libong tao ngayon ang apektado ng naturang sakit sa buong Manitoba, at tinatayang aabot sa 1,500 ang nada-diagnose ng sakit na ito kada taon.
Ang sakit ay madalas makita sa mga nasa 65 na taong gulang at isa sa 20 matanda ang nagkakaroon ng sakit na ito.
Hanggang ngayon ay walang lunas o bakuna laban sa dimentia kaya naman nais ng Alzheimer’s Society of Manitoba na matulungan ang mga may sakit na dementia para sa mabuting health care system sa kanila at mas agresibong public education.
Kaugnay nito ay nagpasalamat naman ang Alzheimer Society of Manitoba sa pagsuporta ng UNTV at MCGI.
“I wanna thank UNTV and The Old Path for joining our memory walk, thank you,” pasasalamat ni Wendy Schettler, CEO ng The Alzheimer’s Society of Manitoba. (Fatima Tumang / Ruth Navales, UNTV News)