MANILA, Philippines – Itinaas sa alert level 1 ng Philippine Institute of Volcanology and Seismology (PHIVOLCS) ang bulkang Mayon sa Legazpi, Albay.
Ayon kay PHIVOLCS Director Renato Solidum, patuloy na namumula ang bunganga ng bulkan o crater glow na posibleng tanda ng pag-akyat ng magmatic gas sa tuktok ng bulkan.
Dahil dito, nagbabala ang PHIVOLCS sa publiko na mag-ingat at huwag pumasok sa 6-kilometer danger zone dahil sa ipinapakitang abnormal behavior ng bulkan.
Ayon pa sa PHIVOLCS, posibleng magdulot ng phreatic explosion o pagsabog ng bato at abo ang bulkan gaya nang nangyari noong Mayo 7 na ikinasawi ng limang mountaineer.
kasabay ng pagpipigil na lumapit sa bulkan, sinabi rin ni Solidum na mainam na maghanda na ng contingency o preparedness plan ang lokal na pamahalaan ng Albay sakaling magkaroon ng pagsabog. (UNTV News)