Quantcast
Channel: UNTV News
Viewing all articles
Browse latest Browse all 18481

DOH, naka-heightened alert kaugnay ng kumalakat na MERS-Coronavirus

$
0
0
A MERS coronavirus is shown in this colorized transmission electron micrograph. Photograph by: HO-US National Institute for Allergy and Infectious Diseases-RML Beth Fischer , THE CANADIAN PRESS

A MERS coronavirus is shown in this colorized transmission electron micrograph.
Photograph by: HO-US National Institute for Allergy and Infectious Diseases-RML Beth Fischer , THE CANADIAN PRESS

MANILA, Philippines — Bantay-sarado na ng Department of Health (DOH) ang mga paliparan at iba pang points of entry sa bansa kaugnay ng kumakalat na Middle East Respiratory Syndrome o mas kilala bilang MERS-Coronavirus.

Una nang ipinahayag ng World Health Organization (WHO) na malaki ang potensyal na maging pandemic ang MERS-CoV kaya’t nagbigay na ito ng babala sa lahat ng mga bansa sa buong mundo.

Sa pinakahuling tala ng Health Ministry ng Saudi Arabia, 38 pasyente na ang nagpositibo sa naturang sakit at 24 sa mga ito ang namatay.

Ipaliwanag ni DOH Asec. Eric Tayag na mas mapanganib pa ang MERS-CoV kaysa sa SARS dahil mabilis itong makahawa

Pero nilinaw ni Tayag na hanggang ngayon ay hindi pa rin  matukoy kung paano nakukuha ang naturang sakit.

“This is a serious global threat to health security and it has the potential to become a pandemic,” ani Tayag.

Paalala ng DOH sa publiko na ang pagpapanatili ng kalinisan sa kapaligiran at katawan ang maituturing na pinakamabisang sandata sa ngayon laban sa nakamamatay na sakit.

“Ugaliin na nating maghugas ng kamay, everytime kasi na we touch our hands without washing our hands or everytime we come in contact with another person we spread diseases germs that may cause disease, one of them may be corona or MERS so we don’t know,” pahayag pa ni Tayag. (Mon Jocson & Ruth Navales, UNTV News)


Viewing all articles
Browse latest Browse all 18481