MANILA, Philippines — Nagbanta na si Department of Agriculture Secretary Proceso Alcala sa mga pinaghihinalaang hoarder o mga nagtatago ng supply ng bawang.
Isala ang isa sa mga itinuturong dahilan kung bakit tumataas ang presyo ng bawang sa merkado.
Ayon sa kalihim, nagsasagawa na ngayon ng surveillance ang mga law enforcer sa mga suspected hoarder.
Kaya naman pinayuhan na ni Secretary Alcala ang mga kinauukulan na ilabas ang kanilang stocks upang hindi maaresto at maiwasan ang prosekusyon. (UNTV News)