Quantcast
Channel: UNTV News
Viewing all articles
Browse latest Browse all 18481

Ika-153 kaarawan ni Dr. Jose Rizal, ipinagdiwang

$
0
0

IMAGE CREDITS: The Presidential Communications Operations Office (PCOO)

LAGUNA, Philippines — Pinangunahan ng mga opisyal ng lokal at pamahalaang panlalawigan ng Laguna ang pag-aalay ng bulaklak sa apat na bantayog ng ating pambansang bayani na si Gat Jose Rizal sa kanyang bayan sa Calamba, Laguna umaga nitong Huwebes, Hunyo 19.

Ngayong araw din ipinagdiwang ang Buhayan Festival na ang konsepto ay tumutukoy sa mga buhay na bayani ng ating bansa.

“Dapat i-focus natin ngayon, tayo puwde tayong maging bayani hindi kailangan tayong magpabaril sa Luneta o mamamatay. We are the living heroes we have to live like heroes, ipakita natin na tayo ay isang mabait na tao,” pahayag ni Calamba City Mayor Timmy Chipeco.

Samantala, naging agaw-pansin din ang mga look-a-like ni Rizal na kinagiliwan ng mga local tourist na dumagsa sa bahay ni Rizal.

Ayon kay Neri Jose, bata pa lamang siya ay iniidolo na niya ang ating pambansang bayani.

“Sapul pa pagkabata ko, idol kasi ng nanay ko si Rizal tapos yung ginagawa saking pagsusuklay ng buhok laging kahawig ni Rizal,” saad nito. (UNTV News)


Viewing all articles
Browse latest Browse all 18481