MANILA, Philippines – Ipinagtanggol ng Malacañan ang desisyon ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) na taasan ang multa para sa mga colorum na pampublikong sasakyan.
Ayon kay Presidential Communication Operations Office (PCOO) Secretary Herminio Coloma Junior, ang colorum ay iligal at labag sa batas.
Dagdag pa ng kalihim, sa ginawang hakbang na ito ng LTFRB ay mapapangalagaan ang kaligtasan at kapakanan ng mga mamamayan.
Una nang nagpahayag ng pagtutol ang STOP & GO Transport Coalition sa kautusang ito na anila ay hindi madidisiplina ang mga colorum na sasakyan kundi upang madagdagan lang ang kita ng pamahalaan. (UNTV News)