Quantcast
Channel: UNTV News
Viewing all articles
Browse latest Browse all 18481

Apat na container van na naglalaman ng hinihinalang smuggled na bawang, nasabat sa Batangas port

$
0
0

Ang nakumpiskang halos mahigit isandaang libong kilong smuggled na bawang na nakita sa loob ng apat na 40-foot containor vans sa Batangas (UNTV News)

BATANGAS, Philippines –  Pasado alas-diyes ng umaga kanina, iprinisinta sa media ni Bureau of Custom District Collector retired Colonel Ernesto Benitez  Jr.  ng Batangas City Container Terminal ang apat na forty-foot container vans na naglalaman nang mahigit isandaang libong kilo  ng smuggled na bawang.

Tinatayang nagkakahalaga ang nakumpiskang bawang  ng dalawampu’t walo hanggang tatlumpung milyong piso.

“Ang declaration po kasi nila is chocolate raw materials. ‘Nun pong binuksan po natin ay garlic”, ani Benitez.

Tiniyak naman ng pamahalaan panlalawigan ng Batangas na hindi nito pahihintulutan  na magamit sa smuggling ang kanilang pantalan.

“Hindi natin hahayaan at hindi natin kokonsintihin ang iligal na gawain at magamit ang Batangas para sa pagpasok at paglabas ng mga iligal na produkto sa bansa,” pahayag ni Batangas Vice Governor Mark Leviste II.

Ikinatuwa naman ng ilang garlic farmers na nagmula pa sa Nueva Ecija ang pagkakasabat ng mga otoridad sa mga imported na bawang dahil ito umano ang nagpapahina ng kanilang hanapbuhay.

“Ang paghuhuli sana ng mga port dito sa Pilipinas ay sisigla ang magsasaka. Hindi mamamatay ang ating local farmers, gaya nga namin na napakarami talaga ng nabubuhay sa agricultural products tapos magiging kalaban pa ang smuggling hanggang nabubulok na lang yung aning hindi nabibili,” ani Ernesto Tanedo na isang garlic farmer.

Samantala, ipinapanukala naman na ipamigay sa mahihirap nating mga kababayan ang mga nakumpiskang bawang. (Reymar Origenes, UNTV News)


Viewing all articles
Browse latest Browse all 18481