MANILA, Philippines – Nirespondehan ng UNTV News and Rescue Team ang isang aksidente sa Araneta Avenue sa Quezon City.
Nadatnan ng grupo ang biktimang kinilalang si Nixon Soberano na nakahandusay pa sa gitna ng kalsada.
Agad na nilapatan ng paunang lunas ang biktima at saka isinugod sa East Avenue Medical Center.
Ayon kay Raul Delos Santos na nakakita sa pangyayari, bumangga ang sinasakyang motorsiklo ng biktima sa isang SUV habang binabaybay ang southbound lane ng Araneta Avenue.
“Medyo mabilis, impact niya talaga napakalakas.”
“Parehas sila mabilis ang takbo nila, ang kotse din mabilis,” dagdag nito.
Sa lakas ng impact, nawasak ang harapang bahagi ng motorsiklo,samantalang nayupi naman ang pintuan ng SUV.
Inamin naman ng Soberano na nakainom siya dahil galing ito sa isang salu-salo. (Jerico Albano / Ruth Navales, UNTV News)
↧
Sugatang motorcycle rider sa QC, tinulungan ng UNTV News and Rescue
↧