Quantcast
Channel: UNTV News
Viewing all articles
Browse latest Browse all 18481

Ilang sundalo sa Nueva Ecija, na-inspire sa pelikulang Isang Araw ni Kuya Daniel Razon

$
0
0

Ang mga sundalo mula sa 70th Infantry Battalion at 3rd Infantry Battalion ay dumating upang sumuporta at panuorin ang pelikulang Isang Araw ni Kuya Daniel Razon sa Nueva Ecija Convention Center sa Palayan City (UNTV News)

NUEVA ECIJA, Philippines — Itinuturing na inspirasyon ng ilang sundalo sa Nueva Ecija ang mga aral na kanilang napanood sa pelikulang Isang Araw ni Kuya Daniel Razon.

Mahigit isang daang sundalo ang pumila sa Nueva Ecija Convention Center sa Palayan City upang manood ng Isang Araw movie na pinagbibidahan ni Mr. Public Service Kuya Daniel Razon.

Pansamantalang lumabas ng kampo ang naturang mga sundalo mula sa 70th Infantry Battalion na nakabase sa bayan ng Laur at 3rd Infantry Battalion sa San Jose City upang sumuporta at manood ng pelikulang Isang Araw.

Ayon kay 1st Lt. James Audie Jaque, Civil Military Officer ng 3rd Infantry Battalion, isang inspirasyon sa kanila ang pelikula bilang isang tagapag-tanggol sa karapatan at kapayapaan ng bawat Pilipino.

“Marami pong aral ang napulot naming lalong lalo na sa aming part ng kasundaluhan, bihira lang yung ganitong magkaroon ng opportunity na manood but physically amin pong ma-iaaplay sa aming pang-araw araw na buhay na bilang sundalo lalong-lalo na po yung part na dapat mahalin natin yung ating kaaway.”

Umabot sa mahigit dalawang libong manonood ang nagpunta sa venue upang manood ng Isang Araw.

Marami ang pinatawa, pinaiyak, pinasaya, pinakilig at tinuruan ng mga makabuluhang eksena sa naturang pelikula.

Maging si Board Member Joseph Ortiz ng 2nd District ng Nueva Ecija ay napahanga kay Kuya Daniel Razon.

“Yung mensahe nito ay para sa lahat. Yung tunay na nangyayari, yung tunay na ugali ng tao yung nasasalamin sa pang-araw araw na buhay ay isa lamang yung dapat na maging guide, yung Dios natin siyempre. Kung yun ang susundin ng bawat isa ay maganda yung ayos ng pamayanan at maging maayos yung pamahalaan sa lahat ng naglilingkuran sa pamahalaan,” pahayag ni Ortiz. (Grace Doctolero / Ruth Navales, UNTV News)


Viewing all articles
Browse latest Browse all 18481