Quantcast
Channel: UNTV News
Viewing all articles
Browse latest Browse all 18481

UNTV at MCGI, magkatuwang na lumingap sa isang home for the elders sa São Paulo, Brazil

$
0
0

Kausap ng isang UNTV volunteer ang isa sa mga matanda na kanilang binisita sa IMAPA na isang home for the elderly sa Sao Paulo, Brazil (UNTV News)

SÃO PAULO, Brazil — Pinangunahan ng UNTV-Brazil katuwang ang Members Church of God International (MCGI) ang paglingap sa isang home for the elders sa São Paulo, Brazil.

Hindi na mapigilan ang paglawak ng naaabot ng UNTV (Your Public Service Channel) sa paghahatid ng makatotohanang balita at impormasyon sa Pilipinas at sa iba’t ibang panig ng mundo.

Ngunit higit dito, pangunahin sa adhikain ng himpilan ang tumulong, kumalinga at umagapay sa kapwa.

Ngayong taon, kasabay ng pagdiriwang ng ika-sampung anibersaryo ng UNTV na may temang “caring for the elderly”, sama-samang dumalaw, lumingap at nagpasaya sa mga katandaang Brazileiro sa ang mga UNTV at MCGI volunteers.

“Ang masasabi ko boluntaryong gawain na nagkatipon kami ay upang iparamdam ang pag-ibig at pag-aalaga kasama ang UNTV at mga tao dito sa Home for the Elderly,” pahayag ni Adeilton De Araulo.

Isang masayang salu-salo na may kasamang awitan ang inihanda ng grupo para sa mga matatanda sa IMAPE (Home for the Elderly).

Tuwang-tuwa naman at nagpapasalamat ang pamunuan ng IMAPE sa naturang proyekto ng UNTV at MCGI.

Ayon kay Josefa Ferreira Da Silva, administrador ng IMAPE, nakatutuwang may mga ganitong proyekto na magpapasaya sa mga matatanda.

“May 16 na matatanda na kinukupkop sa ampunan na ito. Napakahalaga para sa matatanda ang mabisita at maalagaan at maipakita ang pagmamahal sa kanila,” saad nito. (Ron Del Rosario / Ruth Navales, UNTV News)


Viewing all articles
Browse latest Browse all 18481