Quantcast
Channel: UNTV News
Viewing all articles
Browse latest Browse all 18481

Volunteers ng UNTV at MCGI, nagsagawa ng cleanup drive sa isang bus terminal sa Zamboanga city

$
0
0

Ang isinagawang cleanup drive sa isang bus terminal sa Zamboanga City (UNTV News)

ZAMBOANGA CITY, Philippines — Nagsagawa ng  cleanup drive ang UNTV katuwang  ang Members Church of God International (MCGI) sa  isang bus terminal sa Zamboanga kahapon ng umaga, araw ng Huwebes.

Kaugnay ito ng ikasampung anibersaryo ng UNTV sa public service.

Alas-sais pa lamang ng umaga ay nagsimula na sa paglilinis ang grupo sa mga basurang nakakalat sa lugar. Ito na ang pangalawang pagkakataon na naglinis ang grupo sa lugar.

Ang terminal ay matagal na ring inireklamo ng mga residente dahil umano sa marumi at mabahong amoy na nagmumula dito.

Hiling din nila sa mga pasahero na itapon sa tamang tapunan ang kanilang mga basura .

(Translated)“Para sa akin, mas gusto kong malinis parang walang mangyaring masama sa mga tao, kaso lang hindi sila sumusunod. Kahit turuan mo sila kung saan itapon ang basura pero dyan pa rin tinatapon ang basura. Ang mga tao walag disiplina kaya kahit saan-saan na lang itnatapon ang mga basura”, ani Norma na isang residente.

Samantala, nagpasalamat ang mga residente lalo na ang management ng terminal sa ginawang paglilinis ng UNTV at Ang Dating Daan at umaasang magsisilbing halimbawa ito sa iba lalo na sa mga pasahero.

“Very surprise kami nung makita namin kayo at minsan nagtanong kami kung sa gobyerno ba ito. Nagpapasalamat kami sa gaya ninyo na nakatulong sa environment. Malaking tulong at saka very proud din kami sa inyo”, pahayag ni Elmer na isa ring residente. (Dante Amento, UNTV News)


Viewing all articles
Browse latest Browse all 18481