Quantcast
Channel: UNTV News
Viewing all articles
Browse latest Browse all 18481

2 magkaibang kuwarto, inihanda ng PNP General Hospital sakaling i-utos ang hospital arrest kay Sen. Juan Ponce Enrile

$
0
0

Ang kama sa loob ng specialty room na isa sa dalawang kawartong inihanda ng PNP sa PNP General Hospital kung sakaling ipa-hospital arrest si Senator Juan Ponce Enrile (UNTV News)

MANILA, Philippines — Inihanda na ng Philippine National Police ang PNP General Hospital. Ito ay sakaling magdesisyon ang Sandiganbayan na ipa-hospital arrest si Sen. Juan Ponce Enrile dahil sa kasong plunder.

Ayon kay PNP PIO Chief P/C Supt. Reuben Theodore Sindac, dalawang magkaibang kuwarto ang inilaan nila para sa senador sa PNP Hospital.

Una ay ang tinatawag na Public Order Violator o POV room. Katulad ng pangkaraniwang selda, may sukat itong 3mx3m, may maliit na bintana, may single bed, maliit na cabinet, comfort room na may timba at tabo at may probisyon para sa electric fan.

Bukod sa POV room, mayroon ding specialty o officers room na katulad ng isang maliit na private room sa isang pribadong ospital.

May malaki itong bintana, aircon, oxygen tank, malaki ang CR at may shower din.

“Medical emergencies for those who will be committed to us, iko-confine sila doon. Number two for possible option just in case the court directs a commit a high value detainee and requires us to put him in a hospital”, ani Sindac.

Hindi naman daw gagastos ang PNP para dito dahil kasama na ito sa konstruksyon ng ospital.

“Gagawan ng more efficient ways para hindi masyadong magastos. Hindi na masyado ngayon kasi may templates nang sinusunod. Dati kasi may advance party, may ocular, may record, may clearing”, dagdag ni Sindac.

Kung seguridad naman ang pag-uusapan, nakahanda ang security forces ng PNP Hospital at maging ang mga tauhan ng headquarters support service upang tumulong sa pagbabantay. (Lea Ylagan, UNTV News)


Viewing all articles
Browse latest Browse all 18481