QUEZON CITY, Philippines – Nilapatan ng paunang lunas ng UNTV News and Rescue Team ang sugatang taxi driver matapos itong maaksidente sa south bound lane ng EDSA, Brgy. Philam, Quezon City, madaling araw ng Biyernes.
Wasak ang harapan ng taxi matapos itong sumuot sa likuran ng 16-wheeled truck.
Ayon sa imbestigasyon, nakatulog umano ang driver ng taxi kaya ito bumangga sa truck.
“Pahinto kasi kami eh, nakutulog daw yung driver ng taxi kaya binangga kami,” pahayag ni Joven Bulanadi, driver ng nabanggang truck.
“Nabigla din kami kasi hinahabol namin yung truck, dahil truck ban po nag-i-implement kami ng truck ban dito, hinabol namin ito huminto naman nagulat kami may sumalpok sa likod,” kwento ni MMDA Traffic Constable 3 Godfrey Monterubio.
Kinilala ang biktima na si Archie Galvez na nagtamo lamang ng mga minor injuries. (Jerico Albano / Ruth Navales, UNTV News)
↧
Taxi, bumangga sa truck; Sugatang driver, tinulungan ng UNTV News and Rescue Team
↧