Quantcast
Channel: UNTV News
Viewing all articles
Browse latest Browse all 18481

Late enrollees, dahilan ng mga siksikan sa silid-aralan ayon sa DepED

$
0
0
FILE PHOTO: Isang silid-aralan sa isang paaralan dito sa NCR sa pagbubukas ng mga klase. (MADZ PAGUNTALAN / Photoville International)

FILE PHOTO: Isang silid-aralan sa isang paaralan dito sa NCR sa pagbubukas ng mga klase. (MADZ PAGUNTALAN / Photoville International)

MANILA, Philippines – Hindi pa rin maiiwasan ang mga problema sa pagbubukas ng klase ngayong taon.

Ayon kay Department of Education (DepED) Assistant Secretary Jesus Mateo, bukod sa kakulangan ng mga silid-aralan, problema rin ang pagtaas ng bilang ng mga transferee at ang kakulangan ng school requirements.

“Madami na rin po tayong natatanggap pero kumpara noong last year na nasa 2K plus ay mas mababa ngayon na nasa 254 lamang yung mga issues at complaints.”

Sinabi ni Mateo na nakararanas pa rin ang ilang pampublikong paaralan ng siksikan sa mga silid-aralan dahil sa dami ng mga estudyante.

Bukod aniya sa nauna nang nagpatala, dumadagdag pa dito ang mga late enrollees na pinipilit nilang i-accommodate.

“Kung maalala mo meron tayong early enrolment at early registration noong Enero pa para sa ganon ay malaman ng mga paaralan kung ilan ang papasok na mga bata, para magawan ng paraan at hindi last minute tapos magrereklamo na congested sila.”

Bukod sa mga madalas na problema tuwing pasukan, mahigpit din na mino-monitor ng DepED ang bullying sa loob at labas ng mga eskwelahan.

“Yung magulang ay maaaring magsumbong sa mga guro at yung guro ay magre-report sa principal at ang gagawin ng principal ay ipapatawag ang magulang noong nang-bully at yung binully at idi-discuss nila yan kung ano ang mga karampatang penalty at magkakaroon ng desisyon, sa mga nambully aattend ng orientation ulit,” dagdag pa ni Mateo.

Panawagan naman ng DepED sa mga magulang na huwag i-asa lahat sa mga guro sa eskwelahan ang pagtuturo at pagbabantay sa kanilang mga anak. (Lea Ylagan & Ruth Navales, UNTV News)


Viewing all articles
Browse latest Browse all 18481