DAVAO CITY, Philippines – Pinamamadali na ng Civil Aviation Authority of the Philippines (CAAP) ang pag-aalis sa runway ng Davao International Airport ang sumadsad na eroplano ng Cebu Pacific upang maibalik na sa normal na operasyon ang paliparan.
Ayon kay Frederick San Felix, hepe ng CAAP-Davao, natapos na ang site documentation ng CAAP at Cebu Pacific ngunit hindi pa rin makapaglabas ng report ang dalawa sa posibleng dahilan ng pagsadsad ng eroplano.
“More on pictorials documentation data gatherings, actually pag-naretrive natin sa site yung eroplano dun pa nga tatangalin yung black box isa sa mga evidence yun yung black box kung ano yung usapan ng tower between tower and the pilot before nag-landing.”
Pasado ala-7 ng gabi ng Linggo nang lumabas ang ulat hinggil sa paglagpas ng eroplano sa runway habang palapag ito sa Davao International Airport mula sa Maynila.
Daan-daang pasahero ang na-stranded kaya’t idinivert na lang ng Cebu Pacific ang ibang flight sa General Santos City at pinasakay ng mga bus at van ang mga ito. (Louell Requilman & Ruth Navales, UNTV News)