Quantcast
Channel: UNTV News
Viewing all articles
Browse latest Browse all 18481

Paglalagay ng SRP sa bigas, pinag-aaralan na ng DTI

$
0
0

Bigas na tinitinda sa isang pamilihan (UNTV News)

MANILA, Philippines — Hinihintay na lamang ng Department of Trade and Industry (DTI) ang approval ni Pangulong Aquino sa paglalagay ng suggested retail price sa bigas.

Ayon sa DTI, ito ang magsisilbing gabay ng mga nagtitida at mamimili kung magkano ang dapat na presyo ng bigas.

Suportado rin ito ni Presidential Assistant for Food Security and Agricultural Modernization (PAFSAM) Sec. Francis “Kiko” Pangilinan.

“Ang maganda po kasi sa SRP, particularly for agricultural product, it works as a guide to everybody supply chain from manufacturers down to retailers”, pahayag ni DTI Usec. Victorio Dimagiba.

“Makakatulong ito para mabalanse pa natin yung interes ng consumer at yung ating mga retailers & traders”, ani PAFSAM Sec. Pangilinan.

Ngunit kung si Bayan Muna Representative Neri Colmenares ang tatanungin, mas makabubuti ang pagtatakda ng price ceiling dahil may kamay ito para parusahan ang mga nagsasamantala.

“Ang kinaiba lang ng price ceiling at ng SRP, dito sa price ceiling kapag umakyat ka sa price ceiling, kulong ka. May kaso ka whereas pag akyat mo sa SRP imbestigahan ka lang.”

Hindi naman naniniwala ang mambabatas na lean months o panahon ng anihan ang dahilan kaya’t mataas ang presyo ng bigas dahil base sa nakuha nitong record mula sa Department of Agriculture, sapat pa ang supply ng bigas.

Maging ang DTI ay hindi rin kumbinsido sa dahilang ito.

“When they use lean months, we also challenge that kasi yung lean months, padating palang yun. Hindi pwedeng gamitin iyan. Magagamit yun after the lean months”, paliwanag ni Dimagiba.

“Tumaas ang production, tumaas ang inventory so may supply. Kaya I tend to believe, yung analysis of other that there’s rice manipulation, may nagho-hoard despite na presence of supply”, ani Colmenares.

Nangangamba ang kongresista na kung hindi makokontrol ng gobyerno ang pagtaas ng presyo ng bigas ay aakyat pa ito sa mahigit ₱50 per kilo lalo na kung matuloy ang El Niño phenomenon.

Samantala, plano namang bilhin ng NFA ang may 50k mt na smuggled rice. Nakumpiska ito ng BOC mahigit sa 10 buwan na ang nakararaan lulan ng mahigit sa 2 libong container van.

“Sa halip na ibang bansa ang makikinabang sa pagbili ng bigas ay bilhin nalng natin sa ating sariling ahensya”, saad ni Pangilinan. (Rey Pelayo, UNTV News)


Viewing all articles
Browse latest Browse all 18481