Quantcast
Channel: UNTV News
Viewing all articles
Browse latest Browse all 18481

Pamunuan ng senado, nais munang hintayin ang desisyon ng Sandiganbayan kaugnay sa suspension petition laban kina senador Revilla at Estrada

$
0
0

Office of the Ombudsman facade (UNTV News)

MANILA, Philippines —Hihintayin muna ng pamunuan ng senado ang magiging desisyon ng Sandiganbayan kaugnay sa motion for suspension kina senador Bong Revilla at Jinggoy Estrada bilang mga senador.

Nung Lunes, hiniling ng Ombudsman sa anti-graft court ang pagpapalabas ng suspension order sa dalawa matapos humarap sa arraignment ng kasong plunder. Binanggit nito ang R.A. 7080, Section 5 kaugnay sa suspensyon ng isang public offcial na nahaharap sa kasong kriminal. Sinabi rin nito na dapat maging mandatory ito kasunod ng jurisprudence ng Supreme court sa Defensor-Santiago vs Sandiganbayan.

Sa isang text message mula sa opisina ni Senator Franklin Drilon, sinabi nito na hindi muna sila magbibigay ng pahayag kaugnay dito hangga’t hindi pa naaksiyunan ng korte ang kahilingan ng Ombudsman.

Inaabangan rin ni Senate President Pro-tempore Ralph Recto ang resolusyon ng Sandiganbayan. Sinabi nito na base sa kanyang nalalaman, ang senado sa pamamagitan ng ethics committee ang may kapangyarihang magsuspindi ng miyembro nito.

“Although it is tickling issue, it is for the lawyers to decide because constitutionally, it is only the senate who can expel its members, so im not sure.”

Sa ngayon, sinabi ni Senator Recto na hindi pa nila pormal na napag-usapan ang bagay na ito dahil naka-break pa ang sesyon ng kongreso.

“I will support his decision but we’ve not discuss it together. I’ve not asked him about that constitutional provision”, ani Recto. (Pong Mercado, UNTV News)

 


Viewing all articles
Browse latest Browse all 18481