Quantcast
Channel: UNTV News
Viewing all articles
Browse latest Browse all 18481

Sen. Miriam Defensor Santiago, mayroong stage 4 lung cancer

$
0
0

Senator Miriam Santiago said at the Press Conference today held at the Sumulong room of the Senate of the Philippines in Pasay city that she had a stage 4 lung cancer and that she will undergo Chemotheraphy for 6 weeks. July 2, 2014 (Photoville International / WILLIE SY)

MANILA, Philippines – Bukod sa kanyang chronic fatigue syndrome ay inilahad ngayon ni Senator Miriam Defensor Santiago na mayroon siyang lung cancer.

“When they were doing this they discovered that I have a very rare condition which is called behavioral mutants or mutancy by themselves. My cells in my left lung have developed a genetic mutation that makes them impermeable to cancer and which gives them the energy to fight off cancer nearby,” pahayag ni Santiago.

Ayon sa senadora, hindi pa matukoy ng mga doktor kung ano ang sanhi ng kanyang karamdaman lalo’t wala naman itong anumang bisyo.

Sinabi pa ni Santiago na sa halip na sumailalim sa chemotherapy, isang uri ng magic tablet ang kinakailangan niyang inumin upang gumaling sa karamdaman.

Aniya ang magic tablet na ito ay may kaparehong epekto tulad ng chemotherapy na iinumin niya isang beses isang araw.

Nagbiro pa ang senadora na hindi siya nakaramdamn ng anumang takot o lungkot nang malaman ang kanyang sakit.

“No! I’m very excited,

“I said yes! I have cancer because now I am entering a new dimension of my life, that was always been my attitude.”

Dagdag pa ni Santiago, sa ngayon ay hindi siya nagaalala sa kanyang sakit lalo’t isang doktor ang kanyang kapatid sa Amerika na may mga kaibigang topnotch cancer specialists.

Tiniyak nito na sa kabila ng kanyang kalagayan ay patuloy pa rin niyang gagampanan ang kanyang trabaho bilang senador.

Umaasa si Santiago na sa loob ng anim na linggo ay tuluyan na siyang gagaling sa kanyang karamdaman.

Ngunit kung hindi aniya ito madadala ng paginom ng gamot ay mapipilitan siyang pumunta sa ibang bansa upang doon sumailalim ng gamutan.

Samantala, ikinatuwa ng senadora ang desisyon ng Korte Suprema na unconstitutional ang pagamit ng Disbursement Acceleration Program (DAP).

Aniya, dapat na maghain ang Ombudsman ng kaso laban sa mga taong sangkot sa paggamit ng pondo sa ilalim ng DAP.

“The Ombudsman in cooperation with the justice department should file a criminal case before each person because it’s a crime, the constitution says you can do that and then you did it and then you have nothing to answer for.”

Sinabi ni Santiago na kailangang magkaroon ng active participation ang COA at DOJ upang ang lahat ng mga dokumento na may kaugnayan sa DAP ay maihanda at magamit sa pagsasampa ng kaso.

Dagdag pa ng senadora, dapat na magbitiw na sa pwesto si Department of Budget Secretary Butch Abad upang maipakita nito sa publiko ang pagsisisi sa pagkakamaling kanyang nagawa sa taongbayan. (Joan Nano / Ruth Navales, UNTV News)


Viewing all articles
Browse latest Browse all 18481