Quantcast
Channel: UNTV News
Viewing all articles
Browse latest Browse all 18481

Ibang detainees sa PNP Custodial Center, hiniling na mailipat sa ibang kulungan sina Sen. Bong Revilla at Jinggoy Estrada

$
0
0

Ang appeal paper na inihain ng ibang detainess at tagabantay sa PNP Custodial Center hinggil sa pagbabago ng pamamalakad nang dumating lamang ang dalawang senador sa custodial center (UNTV News)

MANILA, Philippines — Isang petisyon ang isinagawa ng may 50 detainees sa PNP Custodial Center na humihiling na ilipat ng kulungan sina Senator Jinggoy Estrada at Bong Revilla.

Nakasaad sa petisyon na ibinigay sa media at may lagda ng mga detainee, isang dekada ng maayos ang pamamalakad sa detention center at nagulo lamang dahil sa paglabag ng dalawang senador sa umiiral na visiting hour.

Sinabi rin nila na hindi dapat na alisin si P/Supt. Mario Malana sa pamamalakad sa custodial center dahil tiyak na lalabag pa rin at gagamitin ng dalawang senador ang kanilang impluwensiya kahit iba ang kanilang italaga sa detention facility.

Ayon sa kanila, sa pamamalakad ni Malana, hindi nalalabag ang kanilang karapatan tulad ng pantay-pantay na karapatan sa pananampalataya, pagpapaunlad ng kalusugan, paghahalaman, pagsasaayos ng selda at iba pang pasilidad para sa kabutihan ng lahat.

Kabilang sa mga pumirma sa sulat ay ang mag-asawang lider ng NPA na sina Benito at Wilma Tiamzon, P/Supt. Hansel Marantan, P/Supt. Rommel Miranda, dating Mindanao COMELEC Comm. Lintang Bedol, Abu Sayyaf leader Khair Mundos at maraming iba pa.

Nasa listahan naman ang dating chief of staff ni Revilla  na si Atty. Richard Cambe subalit walang pirma.

Habang wala naman sa listahan sina dating PNP Generals Avelino Razon, Geary Barias, Ely Dela Paz at Charlemaigne Alejandrino na pawang kinasuhan ng anomalya sa PNP.

Ayon naman sa Philippine National police, inirerespeto nila ang hinaing ng mga detainee at isasama nila ito sa ginagawa nilang imbestigasyon.

“Nakaabot sa aming kaalaman ang manifesto ng ibang detainees sa custodial center. Karapatan nila na magpahayag ng kanilang sentiments at isasama ito sa aming mga considerations, lalo na sa pag improve ng custodial centers operations”, ani PNP PIO Chief P/C Supt. Reuben Theodore Sindac.

Sinabi pa ni Sindac na ang korte pa rin ang magde-desisyon kung mananatili o kung ililipat ang mga senador.

Maayos na pagpapatupad naman ng rules at regulations ng PNP sa custodial center ang sagot ng Sandiganbayan sa hinaing mga detainee.

Ipinupunto ng mga detainees ang maiingay na mga gabi mula sa mga bisita ng dalawang senador. Katulad noong weekend kung saan nag-mistulang may party dahil na rin sa pagdadala ng maraming pagkain at pagtatagal ng hanggang madaling araw gayong hanggang alas tres lamang ng hapon ang oras ng dalaw. (Lea Ylagan, UNTV News)


Viewing all articles
Browse latest Browse all 18481