Quantcast
Channel: UNTV News
Viewing all articles
Browse latest Browse all 18481

Pagpapahinto sa paggamit ng DAP, maaaring makaapekto sa ekonomiya — Business sector

$
0
0

(L-R) Philippine Chamber of Commerce And Industry (PCCI) Chairman Sergio Ortiz-Luis, former National Treasurer Leonor Briones, financial analyst Astro Del Castillo (UNTV News)

MANILA, Philippines — Ikinatuwa ng ilang business sector ang desisyon ng Korte Suprema na ideklarang unconstitutional ang Disburstment Accelaration Program o DAP.Ayon sa kanila, dahil pagpapakita ito na hindi nadidiktahan ang Korte Suprema ng sinoman.

Ngunit, ipinaliwanag ng ilang nasa business sector na nakatulong ang DAP sa ekonomiya at maaaring magkaroon ng epekto ang pagpapatigil sa paggamit ng pondo sa ilalim ng programa.

“Itong pagkaka-resolve ng issue we can all move forward, pero sigurado tayo na marami sa ating mga ekonomiya ang mahihirapan dahil whether we like it or not, yung iba sa DAP napupunta. Sa developmental projects ang karamihan”, saad ni Philippine Chamber of Commerce And Industry (PCCI) Chairman Sergio Ortiz-Luis.

Ayon sa PCCI, magkakaroon ng adjustment sa mga proyekto na pinopondohan ng DAP kung kaya’t dapat ay makapag desisyon agad ang mga kinauukulan kung saan ba talaga dapat mapunta ang pondo ng DAP.

Pinangangambahan naman ng financial analyst na si Astro Del Castillo na makakaapekto sa mga investor kung magkakaroon ng political chaos bunsod ng mga humihiling na ma-impeach si Pangulong Benigno Aquino III.

“Ang takot lang natin sana, economic program reforms will not take a back seat kasi nandyan na naman yung gulo sa pulitiko. Ayaw natin ng ganun.”

Ayon naman kay former National Treasurer Leonor Briones na isa rin sa mga petitioner sa DAP, sa katagalan ay magkakaroon ito ng positibong epekto sa ekonomiya dahil makakatulong ito upang magkaroon ng genuine reforms.

“Yung impact niyan sa economy para sa akin, positive dahil ito ay clear move to genuine reforms. Public knowledge naman na lahat ng ginagawa sa governance at ito ay pinipitisyon ng ilang groups na dinala sa Korte Suprema at finally nag decide after some delay. Think, this is a good signal sa international community.” (Mon Jocson, UNTV News)


Viewing all articles
Browse latest Browse all 18481