Quantcast
Channel: UNTV News
Viewing all articles
Browse latest Browse all 18481

UNTV , katuwang ang MCGI, nagsagawa ng mass bloodletting kaugnay ng ika-10 anibersaryo ng istasyon

$
0
0

Ang ilan sa mga bag ng dugo na nai-donate ng Philippine Blood Center ng MCGI at volunteers ng UNTV sa isinagawang mass bloodletting sa probinsya ng Laguna kaugnay ng ika-sampung anibersaryo ng UNTV (UNTV News)

LAGUNA, Philippines — Isang daan at pitumpu’t dalawang bag ng dugo ang nai-donate sa Philippine Blood Center ng Members Church of God International (MCGI)  at volunteers ng UNTV sa Laguna sa isinagawang mass bloodletting kaugnay pa rin ng selebrasyon ng ikasampung anibersaryo ng UNTV.

Isinagawa ito sa tatlong siyudad ng probinsya, sa San Pedro city, Calamba city at San Pablo city.

Hinikayat naman ng Philippine Blood Center o PBC ang ating mga kababayan na magbigay ng dugo dahil marami ang nangangailangan nito lalo sa panahon ng tag-ulan na uso ang sakit na nangangailan ng blood transfusion gaya ng dengue.

Mas marami po kasi ang nangangailangan ng dugo ngayon lalo na at magpapanahon na naman ng dengue. Kapag ganito kasing panahon nagkukulang ang ating mga dugo, o sangkap ng dugo, platelets”, ani Dr. Ian Vergara, isang doctor sa San Pedro, Laguna.

Samantala, nakiisa rin sa pagbibigay ng dugo ang MCGI sa Dasmariñas, Cavite kasama ang ilang residente ng Mabuhay City, Barangay Paliparan 3.

Ayon sa pamunuan ng PBC , malaki ang benepisyo ng regular na pagbibigay ng dugo upang mapanitiling malusog at malakas ang pangangatawan. Nagpasalamat naman ang PBC sa MCGI, sa pangunguna ni Bro. Eli Soriano sa patuloy na suportang ibinibigay ng mga ito.

“Mga hindi lang po ninyo ka-miembro ang natutulungan ninyo dito so malaking tulong po ito sa mga kababayan nating nangangailangan ng dugo”, pahayag ni Dr. Justin Romero sa Calamba city. (Sherwin Culubong, UNTV News)


Viewing all articles
Browse latest Browse all 18481