
MANILA, Philippines – Pinayagan na ng Inter-Agency Task Force for the Management of Emerging Infectious Diseases (IATF-MEID) ang paggamit ng rapid antigen test bilang pre-boarding requirement ng domestic air travelers.
Ayon kay Presidential Spokesperson Harry Roque, bahagi ito ng pagpapaigting ng laban kontra novel coronavirus disease (COVID-19) at pagpapabilis sa pag-detect kung may SARS-CoV2, ang virus na nagdudulot ng COVID-19, ang isang pasahero.
Ang hakbang aniya ay nakasaad sa IATF Resolution No. 70 na ibinatay sa rekomendasyon ng Department of Transportation (DOTr).
Una nang inaprubahan ng IATF ang paggamit ng antigen test bilang pre-boarding at arrival requirement ng domestic air travelers bilang susbstitute ng real time na reverse-transcription polymerase chain reaction (RT-PCR) tests.
“Ang paggamit ng antigen test bilang kapalit ng RT-PCR test ay pinapayagan sa kundisyon na ito ay, una, pre-boarding requirement ng domestic tourists na asymptomatic bago umalis at magtungo sa kanilang travel destinations; pangalawa, isang requirement bago makapasok sa place of destination kung sang-ayon sa protocols ng lokal na pamahalaan, provided na magsasagawa ng confirmatory antigen test, tatlo hanggang limang araw pagkatapos,” ang wika ni Roque
Ang rapid antigen test ay karaniwang ginagamit sa diagnosis ng respiratory pathogens at ginagawa ito sa pamamagitan ng pagsusuri sa samples na nakulekta mula sa nasal swab. – RRD (mula sa ulat ni Correspondent Rosalie Coz)
The post Paggamit ng rapid antigen testing sa local air travelers, pinayagan ng IATF appeared first on UNTV News.