Quantcast
Channel: UNTV News
Viewing all articles
Browse latest Browse all 18481

Kahilingan ng kampo ni Atty. Gigi reyes na mailipat ng detention facility, submitted for resolution na ng Sandiganbayan 3rd division

$
0
0

Sandiganbayan 3rd division court room (UNTV News)

MANILA, Philippines —Dininig kahapon sa 3rd division ng Sandiganbayan ang urgent motion ng kampo ni Atty. Gigi Reyes na mailipat siya ng detention facility sa PNP Custodial Center.

Ito ay matapos magpalabas ng commitment order ang korte na mai-detain si Reyes sa Bureau of Jail Management and Penology (BJMP) Quezon city noong nakalipas na linggo.

Isa sa mga dahilan ng depensa ay ang kawalan ng sapat na pasilidad at masiguro ang kaligtasan ng mga katulad na high-profile detainee ni reyes sa BJMP Quezon city. Limampu’t anim na mga inmate ang ideal na i-accomodate ng isang female dormitory ng sa BJMP Quezon city.

Ngunit ayon sa isinumiteng ulat ni Jail Chief Inspector Elena Rocamora, ang jail warden na ipina-subpoena ng 3rd division ng Sandiganbayan ay upang malaman ang kalagayan ng BJMP facility sa Quezon city. Sa kasalukuyan, mahigit sa 200  inmates ang nagsisiksikan sa bawat dormitory ng nasabing kulungan.

Dagdag pa rito ang maliit na bilang ng mga escort personnel na kasama ng mga inmate kapag dumadalo ang mga ito sa mga pagdinig sa korte.

Sa hearing kahapon, binanggit ng isa sa mga 3rd division justice na si Justice Samuel Martires na dapat ay pinag-aaralan na ng pamahalaan ang jail management system sa bansa.

Ginagawang dahilan lamang ito ng mga akusado gaya ni Atty. Reyes na maghain ng mosyon na humihiling sa korteng mailipat ng detention facility dahil kulang ng pasilidad at espasyo maging ang kawalan ng sariling ospital ng mga BJMP detention facility.

Binigyang diin din ni Justice Martires ang nakasaad sa United Nations Human Rights law, na maging ang mga akusado man sa isang kaso ay nararapat din sa makataong pagtrato.

Samantala, pinagsusumite ng komentaryo ang oposisyon sa loob ng isang araw kaugnay ng urgent motion to transfer ni Atty. Gigi Reyes.

Submitted for resolution na rin ng korte ang kahilingang ito ng dating chief of staff  ni Sen. Enrile. (Rosalie Coz, UNTV News)

 


Viewing all articles
Browse latest Browse all 18481