MANILA, Philippines — Inamin ni Senador JV Ejercito na dumalaw siya kay Senador Juan Ponce Enrile upang kunsultahin sa gagawin nilang kontra SONA.
Ayon kay Ejercito, nais ni Enrile na siyang pinuno ng minority bloc ng senado na masentro ang kanilang kontra SONA sa performance ni Pangulong Aquino at paglalahad ng tunay na sitwasyon ng ekonomiya ng bansa.
“Sabi nya lang ay mag-concentrate sa economic performance, economic numbers para malaman ang tunay na estado ng ating bansa.”
Sinabi pa nito na nababahala din ang senador sa seguridad ng bansa partikular na ang nagpapatuloy na tensyon sa West Philippine Sea.
Samantala, napansin naman ni JV ang maliit na kuwartong inuokopa ni JPE sa PNP General Hospital. Sa kabila ng minority leader, sinabi nito na hindi naman nagrereklamo ang senador sa kanyang kalagayan sa loob ng 45 minuto nilang paguusap.
“With JPE himself, wala syang angal no what so ever, on favt lahat ng dumalaw don whether doctor, opisyal na magra tandon ng check ay pinasasalamatan nya he’s happy for wat the PNP is giving him the respect and courtesy.”
Matapos dumalaw kay JPE, hindi naman nito sinilip ang kapatid na si Senador Jinggoy Estrada sa PNP Custodial Center dahil sa aniya’y mahigpit pang sitwasyon.
“Dun naman kay Sen. Bong at Sen. Jinggoy ay gusto ko naman sana dumaan kaya lang nabalitaan ko na biglang naghigpit sa kanila kasi medyo tumagal yung bisita so ayaw ko naman na maging dahilan pa ng paghihigpit sa kanila, so I will make a proper request sa pnp at custodial para sa pagbisita probably next week,” dagdag pa ng senador.
Idinagdag pa nito na naantig din sya sa eksena ng mag-amang JPE at Jack Enrile matapos na magpaalam ito patungong ibang bansa at matagal na hindi madadalaw ang ama. (Lea Ylagan / Ruth Navales, UNTV News)