Quantcast
Channel: UNTV News
Viewing all articles
Browse latest Browse all 18481

13th month pay hindi kayang ibigay ng lahat ng kumpanya ngayong may pandemya – ECOP

$
0
0

MANILA, Philippines – Maraming kumpanya ang mahihirapang magbigay ng 13th month pay sa kanilang mga empleyado ngayong taon dahil sa epekto ng COVID-19 pandemic, ayon sa Employers Confederaton of the Philippines (ECOP).

Ayon kay ECOP President Sergio Luis-Ortiz Jr., 90 porsyento sa mga kumpanya sa bansa ay nabibilang sa micro o maliliit na negosyo at marami sa mga ito ang hindi pa nakakabawi mula sa pagkalugi bunsod ng pandemya.

Kaya kung puwede lang sana, ipagpaliban muna ang pagbibigay ng 13th month pay ngunit batid nilang hindi ito maaari sa ilalim ng Labor Code.

“We are encouraging everybody of course to pay, because that’s the law. Unfortunately the reality is merong mga kumpanya na hindi kayang magbigay,” ang wika ni Luis-Ortiz.

Ayon kay Labor Secretary Silvestre Bello III, obligado ang mga employer na bigyan ng 13th month pay ang mga manggagawa at wala silang planong ipagpaliban ito.

“’Yung 13th month pay ay dapat bayaran ng mga employer on or before December 25. ‘Yan ang batas PD 851. Wala po kaming planong i-postpone o i-delay ang pagbayad niyan,” ang pahayag ni Bello.

Kung kailangan naman ng mga maliliit na negosyante ng pera na pandagdag-puhunan o kaya ay para sa iba pang kadahilanan, sinabi ng Department of Trade and Industry (DTI) na maaari silang mag-apply sa loan program ng Small Business Corporation (SB Corp.)

Ayon kay Frank Lloyd Gonzaga, ang Vice President for planning and advocacy ng DTI-SB Corp., P10 bilyon ang inilaan ng pamahalaan para sa programang ito na ipinatutupad sa ilalim ng Bayanihan to Recover as One Act.

Ayon kay Gonzaga, pinadali na ang proseso sa aplikasyon ng loan at maaaring gawin online ang transaksyon.

“Ngayon ang nire-require natin as long as meron kang BIR filed financial statement ay maaari nang mag apply,” ang pahayag ni Gonzaga.

Sa mga interesado, maaaring bisitahin ang website ng SB Corp. para sa karagdagang detalye. – RRD (mula sa ulat ni Correspondent Rey Pelayo)

The post 13th month pay hindi kayang ibigay ng lahat ng kumpanya ngayong may pandemya – ECOP appeared first on UNTV News.


Viewing all articles
Browse latest Browse all 18481

Trending Articles


Pokemon para colorear


Sapos para colorear


Tagalog Love Quotes – Nagmamahal


Break up Quotes Tagalog Love Quote – Broken Hearted Quotes Tagalog


Patama Quotes : Tagalog Inspirational Quotes


Tagalog Quotes To Move on and More Love Love Love Quotes


Tropa Quotes


BARKADA TAGALOG QUOTES


Re:Mutton Pies (lleechef)


FORECLOSURE OF REAL ESTATE MORTGAGE


Girasoles para colorear


mayabang Quotes, Torpe Quotes, tanga Quotes


Tagalog Quotes About Crush – Tagalog Love Quotes


OFW quotes : Pinoy Tagalog Quotes


Long Distance Relationship Tagalog Love Quotes


Tagalog Long Distance Relationship Love Quotes


5 Tagalog Relationship Rules


“BAHAY KUBO HUGOT”


Vimeo 10.7.0 by Vimeo.com, Inc.


Vimeo 10.7.1 by Vimeo.com, Inc.