Quantcast
Channel: UNTV News
Viewing all articles
Browse latest Browse all 18481

Batas na tuluyang magbabawal sa hazing, inihain sa Kamara

$
0
0

Valenzuela City Representative Sherwin Gatchalian (UNTV News)

QUEZON CITY, Philippines — Inihain na  sa Mababang Kapulungan ng Kongreso ang panukalang batas na tuluyan nang mabababawal sa  hazing ng isang fraternity, ang  “Servando Law”.

Ito ang panukala batas na tuluyan nang magbabawal sa pagsasagawa ng hazing o anumang klase ng parusa sa isang tao bago mapabilang  sa isang grupo o samahan.

Ang katawagang Servando Law ay hinugot mula sa pinakahuling namatay sa hazing na si Guillo Cesar Servando, estudyante ng La Salle-College of Saint Benilde.

Ayon sa author ng naturang panukalang batas na si Valenzuela City Representative Sherwin Gatchalian ang kasalukuyang Republic Act No.8049 o ang Anti-Hazing Law ay hindi sagot para mahinto ito.

Mula ng maisabatas ang Anti-Hazing Law noong 1995, wala pang napaparusahan sa mga naging biktima ng naturang initiation rites.

Pahayag ni Rep. Gatchalian, “Marami kasi inconsistencies dito. Una, yung tawag natin na Anti-Hazing Law. But if you read the title very well, the title calls for ‘An Act of Regulating Hazing and Initiation Rights’, the mere title itself ay contradictory na.”

Layon ng “Servando Law”  na magkakaroon na rin ng malaking pananagutan ang mga paaralan.

“Bibigyan natin ng accountability ang mga eskuwelahan. Kasi marami sa mga frat ay nag-ooperate within the school premises,” ani Gatchalian.

Sang-ayon naman dito ang isang miyembro ng Tau Gamma Phi na si “Alexander” upang hindi na maranasan pa ng ibang kabataan ang hirap sa hazing na kung mapasobra  ay nauuwi sakamatayan, “Oo, dapat ipagbawal na eh kasi yung mga sumasali na neophytes hindi natin alam kung may mga sakit sila sa puso o ano. Pwede ikamatay nila yun kung sobrang lakas ng palo.”

Payo ni Alexander sa mga estudyante at kabataan: huwag nilang itaya ang kanilang buhay sa pagsali sa fraternity kung ang nais lamang  naman nila ay magkaroon ng kaibigan o makabilang sa isang kilalang samahan.

Aniya mas marami silang makikilalang mabuting kaibigan at grupo, pagtuunan lamang nilang mabuti ang kanilang pag-aaral kaysa umaanib sa isang fraternity.

“Wag nilang sayangin ang buhay nila sa pagsali sa frat — mahirap, eh. Naranasan ko na minsan… trouble pa ang mangyayari sa iyo imbes na mapabuti ka, mapasama ka pa,”ang pahabol na panghihikayat ng miyembro ng Tau Gamma  Phi na si “Alexander”. (GRACE CASIN / UNTV News)  


Viewing all articles
Browse latest Browse all 18481