Quantcast
Channel: UNTV News
Viewing all articles
Browse latest Browse all 18481

2 impeachment complaint vs. PNoy, nakatakdang isampa ngayong linggo

$
0
0

Pangulong Benigno Aquino III (UNTV News)

MANILA, Philippines — Dalawang impeachment complaint ang nakatakdang isampa ngayong linggo laban kay Pangulong Benigno Aquino III kaugnay ng Disbursement Acceleration Program (DAP).

Hindi bababa sa limampu ang magsisilbing complainant sa mga reklamong ihahain ng grupong Bayan at ng Kabataan Partylist.

Ayon kay Kabataan Partylist Representative Terry Ridon, dapat panagutin ang pangulo sa paggamit nito ng DAP na ayon sa Korte Suprema ay illegal at labag sa konstitusyon.

“Ang batayan po riyan ay pareho lang: culpable violation of the constitution at betrayal of public trust. Iniisip pa po natin kung isasama kung yung bribery ay gagamitin nating ground pero malamang ipapasok na lamang natin ito sa ilalim ng betrayal of public trust.”

Ayon pa kay Ridon, sinadya na ng pangulo na labagin ang saligang-batas sa pamamagitan ng paulit-ulit na paggamit ng pondo sa ilalim ng DAP, kaya hindi umano depensa ang sinasabi ng Malakanyang na “in good faith” ang paggamit nito sa halos P150-billion pondo ng DAP.

“Pag sinabi nating “in good faith” pwede po yan pag minsanan lang hong pagviolate ng constitution, pwede mong sabihing in good faith. Pero pagka ho paulit-ulit at in fact maglalatag ka pa nga ng sistema para sa violation ng Constitution sa ilalim ng DAP, ay dapat hong panagutin talaga yun,” saad nito.

Ayon naman sa ekonomista at dating national treasurer na si Propesor Leonor Briones, hindi dapat pigilan ang pagusad ng impeachment laban kay Pangulong Aquino kahit sabihing hindi rin ito magtatagumpay dahil karamihan sa nasa kongreso ay kaalyado ng pangulo.

Aniya, magtuturo ito ng maraming leksyon sa mga Pilipino.

“Kasi ang proseso also is educational. In the process of impeachment, maraming mga datos, impormasyon, mga claims and counter-claims na makikita ng publiko. So it’s not only na it results to the impeachment of the president, it results also in more information to the public which could be a basis for their decisions kung halimbawa dadating ang susunod na eleksyon,” pahayag nito. (Roderic Mendoza / Ruth Navales, UNTV News)


Viewing all articles
Browse latest Browse all 18481