MANILA, Philippines – Magasasagawa ng talumpati si Pangulong Benigno Aquino III sa harap ng sambayanang Pilipino mamayang gabi, Lunes.
Ayon kay Presidential Communications Operations Office (PCOO) Secretary Herminio Coloma Jr, mapapanood at mapakikinggan sa mga istasyon ng telebisyon at radyo ang pahayag ng pangulo mamayang ala-6 ng gabi.
Inaasahang sesentro ang talumpati ng pangulo sa kontrobersyal na Disbursement Acceleration Program (DAP), kung saan inaasahan na ipapaliwanag ng pangulo ang mga benepisyong nakamit ng bansa dahil sa pondo ng DAP.
Naunang idineklara ng Korte Suprema na unconstitutional ang ilang bahagi ng DAP, na sinundan naman ng mga panawagang patalsikin si Pangulong Aquino at pagbibitiw sa pwesto ni Budget Secretary Butch Abad.
Noong nakaraang linggo, inihayag naman ni Pangulong Aquino na nagsumite ng resignation letter si Abad at inako ang papel sa pagpapatupad sa programa subalit tinanggihan ito ng punong ehekutibo. (UNTV News)