Quantcast
Channel: UNTV News
Viewing all articles
Browse latest Browse all 18481

MMDA at iba pang ahensya ng pamahalaan, tinalakay ang ilang paghahanda sa posibleng pananalasa ng bagyong Glenda

$
0
0

Itiniklop na ang ilan sa mga billboard sa Metro Manila bilang paghahanda sa posibleng epekto ng bagyong Glenda sa Metro Manila (UNTV News)

MANILA, Philippines — Isa pagpupulong ang pinangunahan ng Metro Manila Development Authority (MMDA) upang talakayin ang paghahanda sa  posibleng epekto ng bagyong Glenda sa Metro Manila.

Sa ngayon, naka naka blue alert level na ang MMDA, na dito kinakailangan itiklop na ang mga billboards sa buong Metro Manila.

Kanselado din ang operasyon ng Pasig River Ferry System.

Tiniyak naman ng Department of Health na nakahanda na ang ahensya sa mga gamot na kakailanganin sa mga evacuation centers upang makaiwas sa mga sakit gaya ng ubo, sipon, lagnat at diarrhea.

Naka-heightened alert na rin ang Bureau of Fire Protection .

Nanawagan naman ang NCRPO sa mga bus operators lalo na may rutang pa-Bicol region na huwag munang  magbiyahe upang makaiwas sa anumang aksidente. (Joan Nano, UNTV News)


Viewing all articles
Browse latest Browse all 18481