TOKYO, Japan — Isa sa paboritong japanese appetizer ang sushi roll, ngunit para kay Takayo Kiyota, ang kanin at seaweed ay mahahalagang sangkap ng kaniyang likhang sining. Si Takayo, o mas kilala sa tawag na “Tama-chan”, ay nakagawa ng mahigit dalawang daang disensyo ng sushi roll.
Mula sa simpleng mukha ng tao hanggang sa replica ng mga makasaysyang paintings ang kabilang sa kaniyang mga disenyo.
Mayroon pang nagiiba ng disensyo at kulay sa tuwing hahatiin ito.
Ayon kay Takayo, naisip niyang gamitin ang sushi rolls sa kanyang art dahil sa konspeto na sa pagkain, hindi lang ang nakikita ng mata ang dapat pagisipan at kakitaan ng kahulugan ng isang bagay, kundi, sa aspeto ng pagkain, ganun din ang lasa. (UNTV News)