TOKYO, Japan — Mahigit limang libong goldfish na nakalagay sa tangke na iba’t iba ang hugis at disenyo ang naka-display sa art aquarium exhibit sa Tokyo.
Mas pinatingkad ng LED lighting ang mahigit limampung aquariums na kinalalagyan ng may 30 klase ng goldfish na mula pa sa iba’t ibang parte ng Japan.
Ang art aquarium ay taunang exhibit sa pangunguna ng artist na si Hidetomo Kimura sa kaniyang obsession sa mga bagay ng karagatan.
Mismong si Kimura ang nagdisenyo ng mga fish tank. Siya rin ang producer ng malapantansyang musika na pinatutugtog sa exhibit kasabay ng humahalimuyak na japanese incense. (UNTV News)