CEBU, Philippines — Hirap makatayo si Jerson Omapao, 20 taong gulang nang mabangga ng minamaneho nitong motorsiklo ang isang Crosswind na patawid sa intersection sa East Osmeña Avenue sa Cebu city alas kwatro y medya ng hapon nitong Hulyo 17, 2014.
Nasugatan din ang angkas nito na si Roger Saa ,tatlumpu’t tatlong gulang matapos tumilapon dahil sa impact.
Sumiksik ang motor sa ilalim ng bumper ng Crosswind. Samantala, wala namang tinamong sugat ang mga lulan ng Crosswind.
Ayon sa salaysay ng mga nakakita sa aksidente, mabilis ang takbo ng motorsiklo kaya nabangga ang harapan ng patawid na sasakyan.
Agad na nilapatan ng paunang lunas ng UNTV News and Rescue Team ang mga biktima na nagtamo ng sugat sa mga binti at braso.
Agad na dinala ang mga biktima sa ospital upang matingnan ng mga doktor. (Naomi Sorianosos, UNTV News)