Quantcast
Channel: UNTV News
Viewing all articles
Browse latest Browse all 18481

NBI, itutuloy ang imbestigasyon sa ‘di otorisadong COVID-19 vaccination

$
0
0

MANILA, Philippines – Tuloy pa rin ang gagawing imbestigasyon ng National Bureau of Investigation (NBI) sa mga hindi rehistrado at hindi otorisadong pagsasagawa ng COVID-19 vaccination sa bansa.

Ito ay sa kabila ng utos ni Pangulong Rodrigo Duterte sa Presidential Security Group (PSG) na huwag magsalita kung sakaling ipatatawag ang grupo sa pagdinig sa Kongreso.

Ayon kay NBI Spokesperson Atty Ferdinand Lavin, hindi taliwas sa pahayag ng pangulo ang pagpapatuloy ng kanilang imbestigasyon dahil hindi naman ito naka-sentro lang sa ginawang na pagpapabakuna ng PSG.

Aniya, layon ng pagsisiyasat na usisain ang mga ulat sa umano’y importasyon, pagbebenta, at pagsasagawa ng COVID-19 vaccination nang walang pahintulot mula sa pamahalaan sa pamamagitan ng Food and Drug Administration (FDA).

Noong araw ng Lunes nang matanggap ng NBI ang atas mula sa Department of Justice (DOJ) hinggil sa imbestigasyon at hindi ito ititigil hangga’t hindi ipag-uutos ni Justice Secretary Menardo Guevarra.

Ayon kay Lavin, makikipag-ugnayan sila kay PSG commander Brigadier General Jesus Durante para sa detalye hinggil sa pagpapabakuna ng kanyang mga tauhan, pati na sa civic leader na si Teresita Ang See kaugnay naman ng ibinunyag nitong marami nang Chinese nationals na nagtatrabaho sa offshore gaming operations ang nakatanggap ng bakuna kontra COVID-19.

Sakop aniya ng gagawing pagsisiyasat ng NBI na alamin kung paano nangyari at sino ang nasa likod ng pagbabakuna, at kung sinu-sino ang tumanggap nito. – RRD (mula sa ulat ni Correspondent Dante Amento)

The post NBI, itutuloy ang imbestigasyon sa ‘di otorisadong COVID-19 vaccination appeared first on UNTV News.


Viewing all articles
Browse latest Browse all 18481