Quantcast
Channel: UNTV News
Viewing all articles
Browse latest Browse all 18481

Mga idinadawit sa Christine Dacera case, hindi na tutugisin ng PNP

$
0
0

MANILA, Philippines – Hindi na tutugisin ang mga indibiduwal na isinasangkot sa pagkamatay ng 23-anyos na si Christine Dacera, ayon sa Philippine National Police (PNP).

Sinabi ni PNP Spokesperson Brigadier General Ildebrandi Usana, napaso na ang ipinag-utos na manhunt operation at 72-oras na ultimatum ni PNP Chief General Debold Sinas laban sa mga suspek kasunod ng desisyon ng piskalya na pakawalan muna ang tatlong persons of interest sa krimen para sa karagdagan pang imbestigasyon.

Aniya, idinitene ang mga itinuturing na persons of interest upang mapadali ang proseso ng imbestigasyon.

“Kung sakali mang may process of elimination, eh di might as well feel na hindi naman sila kailangan na maihold in custody by the police po,” ang wika ng opisyal.

Noong Miyerkules ng gabi, naglabas ng resolusyon ang Makati City Prosecutor’s Office na nag-uutos sa pagpapakawala sa tatlong naka-detineng indibiduwal at pag-refer sa kaso sa preliminary investigation dahil sa mga aspeto nitong kailangan pang malinawan.

Sinabi rin ng piskalya na hindi pa sapat ang isinumiteng ebidensiya upang sabihing hinalay ang biktima, at kung gayon nga ang nangyari, ay kung ang tinukoy bang suspek ang responsable sa krimen.

Itinakda ang preliminary investigation sa kaso sa Enero 13.

Si Dacera ay nakitang walang buhay sa isang bathtub ng hotel sa Makati City noong Enero 1, 2021. Nag-check in umano sa hotel ang dalaga para dumalo sa isang party kasama ang ilang kaibigan noong Disyember 31, 2020.

Bunsod ng mga development sa kaso, sinabi ng PNP na hindi aarestuhin ang mga idinadawit sa pagkamatay ni Dacera nang walang warrant of arrest.

“Ibinalik ng prosecutor yung kaso sa Makati police para patuloy pang imbestigahan yung nangyari sa pagkamatay ni Ms. Christine. In the first place naman, wala namang arestong mangyayari kung walang warrant,” ang pahayag ni Usana.

Sinabi rin ng opisyal na walang naging lapses ang pulisya sa ginawa nitong imbestigasyon laban sa mga isinasangkot sa kaso at kailangan lamang ng dagdag na ebidensiya upang mas mapalakas ang inihaing reklamo.

“That doesn’t mean na mali ang ginawa ng mga pulis kundi kailangan pang dagdagan ang ebidensya na nakuha na ng prosecution,” ang wika ni Usana.

Kasama aniya sa mga hawak na ebidensiya ng pulisya ay ang kopya ng CCTV video ng hotel kung saan makikita si Dacera at ang mga kasama nito ilang oras bago ito natagpuang patay. – RRD (mula sa ulat ni Correspondent Lea Ylagan)

The post Mga idinadawit sa Christine Dacera case, hindi na tutugisin ng PNP appeared first on UNTV News.


Viewing all articles
Browse latest Browse all 18481