Quantcast
Channel: UNTV News
Viewing all articles
Browse latest Browse all 18481

Pangulong Aquino, binigyan ng bagsak na marka ng ilang militanteng grupo

$
0
0

Bagsak na grado ang ibinigay kay Pangulong Aquino ng grupong Kadamay dahil para sa kanila ay bigo ito na matugunan ang maraming pangangailangan at problema na kinakaharap ngayon ng bansa (UNTV News)

MANILA, Philippines — Zero o bagsak ang gradong ibinigay grupong Kadamay kay Pangulong Benigno Aquino III dahil ayon sa kanila ay bigo ito na matugunan ang problema ng bansa sa nakalipas na apat na taon nitong panunungkulan.

Kasama sa mga hinaing ng mga ito ang kawalan ng trabaho, pagtaas ng presyo ng pangunahing bilihin, problema sa  edukasyon at ang pangangalaga sa kalusugan ng mga mamamayan.

Isa rin sa ikinadidismaya ng mga militante ang tungkol sa issue ng paggamit ng pondo sa pamamagitan ng Disbursement Acceleration Program o DAP na idineklarang unconstittional ng Korte Suprema.

“Talagang wala naman po siyang naibigay sa amin na suporta”, pahayag ni Kadamay Vice Chairman Estrelita Bagasbas.”Ang hinihingi namin serbisyong panlipunan, tirahan eh hindi po disente ang ibinigay sa amin.”

Imbes makinig sa mangyayaring pag-uulat sa bayan ng pangulo sa Lunes, magtitipon sa kalsada ang mga militante upang magsagawa ng sariling pag-uulat sa tunay na kalagayan ng bayan.

“Nasaan yung 50 billion na nakalaan sa informal settler na sinasabi ng gobyernong ito na nakalaan mula 2011 hanggang 2015?”, giit ni Gloria Arellano na siyang National Chairperson ng Kadamay.

Tatangkain rin ng mga militante na makalapit ng Batasang Pambansa kung saan isasagawa ang SONA ng pangulo. (Victor Cosare, UNTV News)


Viewing all articles
Browse latest Browse all 18481