Quantcast
Channel: UNTV News
Viewing all articles
Browse latest Browse all 18481

Senador Trillanes, pinahihinto ang pagpapatupad ng K to 12 program

$
0
0

Ang kakulangan sa silid-aralan ang isa sa mga pangunahing problema ang kinakaharap ngayon ng bansa pagdating sa sistema ng edukasyon (UNTV News)

MANILA, Philippines — Nanininiwala si Senador Antonio Trillanes IV na mas makabubuti na huwag munang ipatutupad ang K to 12 program ng Department of Education (DepEd) at sa halip harapin muna ang problema sa kakulangan ng guro, silid aralan, pasilidad at mababang sahod.

Ayon sa senador, kabilang din sa problemang dapat na isaayos ng pamahalaan ang pinangangambahang pagkatanggal sa trabaho ng libo-libong titser at empleyado kapag sinimulan na ang program sa 2016. 

“Mas makabubuti para sa ating bansa kung hindi muna ipatutupad ang K to 12 program hangga’t hindi pa nasosolusyunan ang mga problema sa sistema ng ating edukasyon tulad ng kakulangan sa mga silid-aralan at kagamitan ng mga estudyante, at ang kakulangan sa mga guro at ang kanilang mababang sahod. Dagdag pa rito ay ang kawalang plano ng ating pamahalaan sa inaasahang pagkakatanggal sa trabaho ng aabot sa 85,000 na mga guro at empleyado sa mga kolehiyo kapag nagsimula na ang programa sa 2016.”

Pinabulaan naman nito ang pahayag ng gobyerno na nasolusyunan na ang problema ng kakulangan sa classrooms.

“Hindi ito totoo. Maraming paaralan pa rin ang patuloy na gumagamit ng mga make-shift na classrooms, o di kaya’y nagpapalitan sa paggamit ng mga silid-aralan kahit mas maiksi pa ang haba ng mga klase nito sa tamang oras na aprubado ng Department of Education.”

Inihayag rin ng senador na mayroong mga volunteer teachers na kumikita lamang ng tatlong libong piso kada buwan.

Dati nang tinututulan ni Trillanes ang pagsasabatas ng K to 12 program. (Bryan De Paz, UNTV News)


Viewing all articles
Browse latest Browse all 18481