Quantcast
Channel: UNTV News
Viewing all articles
Browse latest Browse all 18481

66,000 PNP pensioners, pinangangambahang hindi makatanggap ng pensyon sa Agosto

$
0
0

PNP PIO Chief P/Csupt Reuben Theodore Sindac (UNTV News)

MANILA, Philippines — Umapela na ang Philippine National Police o PNP sa Manila Regional Trial Court Branch 32 upang baguhin ang naunang desisyon nito na ihinto ang paglalabas ng pondo ng PNP para sa 66,000 pensioner nito.

Ito ay matapos na katigan ng korte ang isinampang reklamo ng Manila Finest Brotherhood na miyembro ng Integrated National Police na bayaran muna ang kanilang pension differential mula taong 1991 hanggang 2006 na aabot sa halagang P3.9 billion.

Ayon kay PNP PIO Chief P/Csupt Reuben Theodore Sindac, sakaling hindi agad mapagbigyan ang kanilang apela ay posibleng hindi mai-release ang pension ng 66-libong PNP pensioners para sa buwan ng Agosto.

“This point, the PNP legal service is now making representation with Manila RTC branch 32 thru a manifestation regarding the status of PNP and DBM actions on the court issuance.”

Sinabi pa nito ni Sindac na maaapektuhan din ang kanilang police operations.

“We are apprehensive that if it will not be resolved, the PNP operations will be duly hampered and that 66,000 PNP and INP pensioners will not receive their pension as a result of this garnishment order.”

Ngunit iginiit ni Sindac na hindi naman maaaring pigilan ang pag-release ng pondo para sa PNP dahil ito ay exempted sa garnishment base sa Section 93 ng RA 10633.

Sa halip ay dapat na sa Department of Budget and Management umaapela ang grupo at hindi sa korte. (Lea Ylagan / Ruth Navales, UNTV News)


Viewing all articles
Browse latest Browse all 18481